Patient Education
Patient Handouts | Parent's Guides | Activity Sheets | Crest Consumer Site | History of Crest | Dental Health Month 2011
title, Crowns

   
   
   

MGA JACKET o CROWN

Kapag ang isang ngipin ay nabali, may malaking lumang pasta, o lubhang nasira dulot ng pagkabulok, maaaring irekomenda ng inyong dentista ang paglalagay ng isang "jacket” (crown) o cap. Pinapatibay at pinoprotektahan ng jacket(crown) ang mga natitirang bahagi ng ngipin at maaaring pagandahin ang anyo ng inyong ngiti. Nabibilang na sa mga uri ng jacket ay ang buong porselanang jacket, ipinaghalong porselana at metal na jacket, at ang buong metal na jacket.

Ang pagsasaayos ng jacket ay nangangailangan ng hindi bababa sa dalawang pagbisita sa opisina ng dentista. Sa simula, ang dentista ay:

pagtanggal ng mga bulok at paghuhubog ng ngipin

Tinatanggal ang mga bulok, inihahanda at hinuhubog ang ngipin.

Paggawa ng bakas

Gumagawa ng bakas.

pansamantalang “jacket” o crown

Gumagawa at isinusukat ang isang pansamantalang jacket na gawa sa plastik o bakal.

Sa susunod na pagbisita, ang dentista ay:

Tinatanggal ang pansamantalang jacket, isinusuot at inilalapat ang huling jacket, at pipapastahan upang maayos sa posisyon ang jacket.

tunay na jacket o crown

Itutugma ng dentista ang kulay ng jacket sa kulay ng inyong mga ngipin. Kung pinag-iisipan mong magpaputi ng inyong mga ngipin, dapat ay kausapin mo ang iyong dentista tungkol sa mga opsiyon sa pagpapaputi ng ngipin bago pa man magawa ang jacket. Sapagka’t ang mga produktong pampaputi ay hindi nakakaapekto sa kulay ng mga jacket, mahalaga na paputiin muna ang inyong tunay na mga ngipin upang matugma ng dentista ang kulay ng jacket sa kulay ng inyong mga ngipin pagkatapos ito napaputi.
MGA BRIDGE

Ang ilang mga pangyayari ay may matinding epekto sa kalusugan ng ngipin at sa personal na anyo kaysa sa kawalan ng ngipin. Kapag may isa o higit pang ngipin ay kulang, ang natitirang mga ngipin ay maaaring mawala sa mga posisyon nito, na mapapatungo sa pagbabago ng pagkagat, ang mga karagdagang pagkawala ng mga ngipin, pagkabulok, at sakit sa gilagid.

Sa pangyayari na mawalan ng ngipin, maaaring irekomenda ng dentista ang paglalagay ng isang bridge. Kapag naglalagay ng bridge, ang mga ngipin (mga katabi) sa parehong gilid ng pagitan ay natatakpan ng mga jacket (caps/retainers), at isang artipisyal na ngipin (pontic) ay idinidikit sa mga jacket.

ihanda ang bibig para sa bridge

Sa umpisa, inihahanda ng dentista ang ngipin sa bawa't bahagi ng pagitan upang malagyan ang mga jacket at gumagawa ng bakas sa buong bahagi.

pansamantalang bridge

Isinusukat ang isang pansamantala o nababagong bridge gawa sa plastik o bakal.

Sa susunod na pagbisita, ang dentista ay:

Tinatanggal ang pansamantalang bridge, inilalagay, inaayos, at ipinapasta ang permanenteng bridge.

permanenteng bridge

Siguraduhing masusunod ang espesyal na mga instruksiyon na pag-aalaga sa bahay na ibinigay ng inyong propesyonal na tagapangalaga ng ngipin.




Terms and Conditions  |  P&G Privacy Statement
We adhere to the Better Business Bureau's Privacy Standards © 1996-2009 The Procter & Gamble Company, Cincinnati, Ohio, USA All rights reserved