Patient Education
Patient Handouts | Parent's Guides | Activity Sheets | Crest Consumer Site | History of Crest | Dental Health Month 2011
title, Regular Dental Visits

   
   
   

Naisip mo na ba kung bakit inirerekomenda ng American Dental Association at ng inyong dentista na bumalik ka tuwing anim na buwan? Ito ay dahil ang palagiang pagbisita sa nag-aalaga ng ngipin ay mahalaga para sa pangangalaga ng malusog na mga ngipin at gilagid. Sa pagitan ng anim na buwan na mga pagsusuring iyon, mahalagang magsikap ka na panatilihing malinis at malusog ang inyong mga ngipin at gilagid. Kung kinakailangan mo ng karagdagang tulong, maaaring imungkahi ng inyong dentista ang mas madalas na mga pagbisita.
malulusog na giliagid at mga ngipin

Heto ang itsura ng malulusog na mga ngipin at mga gilagid pagkatapos ito malinis ng nag-aalaga ng ngipin.

pagbuo ng tartaro at plaque

Ang plaque at tartaro ay puwedeng mabuo sa loob lamang ng maikling panahon kung hindi kinakasanayan ang mahusay na pangangalaga ng kalusugan ng bibig sa pagitan ng mga pagbisita. Maaari ring magdulot ng mantsa ang pagkain, inumin, at tabako.

may iritasyon na tisyu ng gilagid na sanhi ng tartaro

Kung hindi ito matanggal, ang malalambot na plaque ay maninigas sa mga ngipin (namumuong tartaro) at magkaka-iritasyon ang tisyu ng gilagid.

Ang pagsiyasat sa inyong ngipin mula sa pagkabulok ay isang bahagi ng masusing pagsusuri sa ngipin. Sa pagpatingin ng inyong ngipin sa dentista ( o tagapangalaga ng ngipin) marahil ay tatasahin ang kalusugan ng inyong mga gilagid, suriin ang inyong ulo at leeg (upang tingnan kung mayroon hindi nararapat), suriin ang inyong bibig para sa mga indikasyon ng kanser sa bibig, diyabetes, o kawalan ng bitamina. Huwag magulat kung suriin rin ng dentista ang inyong mukha. kagat, laway, at kilos ng inyong pambabang panga o lower jaw joints (TMJs). Tapos ay lilinisin ng inyong dentista o tagapangalaga ng ngipin ang inyong ngipin at bibigyang halaga ang pananatili ng mahusay na paglinis ng bibig sa bahay sa pagitan ng mga bisita.

Ang Palagiang Pagbisita sa Nag-aalaga ng Ngipin
Sa inyong karaniwang nakatakdang pagpapatingin ng ngipin, inaasahang titingnan ng dentista ang inyong mga gilagid, bibig, dila, at lalamunan.

ANG PAGSUSURI SA ULO AT LEEG
  • Suriin ang inyong mukha
  • Suriin ang inyong leeg
  • Suriin ang inyong mga lymph nodes
  • Suriin ang inyong babang parte ng panga o lower jaw joints (TMJs)
ANG PAGSUSURI NG NGIPIN SA KLINIKA
  • Suriin ang mga gilagid
  • Maghanap para mga palatandaan ng sakit ng gilagid
  • Suriin para sa umuugang mga ngipin
  • Tingnan ang mga tisyu sa loob ng inyong bibig
  • Suriin ang inyong dila
  • Suriin ang inyong kagat
  • Maghanap ng nakikitang ebidensya sa pagbubulok ng ngipin
  • Suriin para sa sirang mga ngipin
  • Suriin para sa mga sirang pasta
  • Tingnan ang mga pagbabago sa gilagid na tumataklob sa mga ngipin
  • Tasahan ang anumang kagamitang pang-ngipin na mayroon ka
  • Suriin ang pagkalapat sa pagitan ng inyong mga ngipin
  • Magsawa ng mga eksray
ANG PAGPAPALINIS NG MGA NGIPIN
  • Suriin ang pagkalinis ng inyong mga ngipin at mga gilagid
  • Tanggalin ang anumang plaque at tartaro
  • Pakintabin ang inyong mga ngipin
  • Mag-floss sa pagitan ng inyong mga ngipin
  • Irepaso ang inirekomendang mga paraan ng pagsisipilyo at pag-floss
Sa sandaling ang inyong pagsusuri at paglilinis ay naisagawa, sasabihin sa inyo ng inyong dentista ang kalusugan ng inyong mga ngipin at mga gilagid at magbibigay ng anumang karagdagan na mga rekomendasyon. Sa pakikipagkita sa inyong dentista nang palagian at pagsunod sa araw-araw na mahusay na pangangalaga ng kalusugan ng inyong bibig sa bahay, ikaw ay makakaasang mananatiling malusog ang iyong mga ngipin at gilagid.

Para sa malulusog na mga ngipin at mga gilagid, tiyakin na sinusunod mo ang mga bilin ng iyong dentista at ng tagapangalaga ng ngipin At palagiang bumisita sa opisina ng nag-aalaga ng ngipin.

Tandaan, ang pangangalaga ang pinakamahalaga.



Terms and Conditions  |  P&G Privacy Statement
We adhere to the Better Business Bureau's Privacy Standards © 1996-2009 The Procter & Gamble Company, Cincinnati, Ohio, USA All rights reserved