Hakbang 1 Pagkatapos malagyan ng anestesya ang ngipin, isang butas ang ginagawa sa pamamagitan ng jacket (crown) papunta sa chamber ng ubod.
Hakbang 2 Inaalam ang haba ng root canal.
Hakbang 3 Tinatanggal ang hindi malusog na ubod. Ang mga kanal ay nililinis,pinapalaki at hinuhubog.
Hakbang 4 Ang mga kanal ay pinapastahan at tinatakpan. Maaaring dagdagan ng isang metal na tukod para magbigay ng suporta sa balangkas o upang mapanatili ang mga materyal na nagpapanumbalik sa dating kalagayan.
Hakbang 5 Ang ngipin ay tinatakpan gamit ang isang pansamantalang pasta. Karaniwan, ang ginto o porselanang jacket (crown) ay nagbibigay ng karagdagang proteksyon.